LIKE MY PAGE ON FACEBOOK | PHOTO QUOTES »

Wednesday, July 6, 2011

Wag Naman Sa Matao

>>napatingin ako sa relo ko.. Alas 5 na ng hapon. Ano ba yan late na naman siya.. O maaga lang ako? Excited?
Mga tatlumpong minuto na rin pala akong nakaupo dito sa tapat ng jollibee sa foodcourt ng megamall.
Lumilipad tuloy ang isip ko at pumupunta kung saan-saan. Mula sa una kong halik, una kong crush at unang panghuhudas. Hehe.
Naku, wag na nga ang nakalipas. Makapagmasid-masid na nga lang, kaya lang puro pagkain ang nasa paligid. Mamaya pa ko kakain, pagdating ng kasama ko.
Pumukaw ng pansin ko ang mga magdyodyowang akala mo maglampungan ay nasa loob ng kuwarto. Hello? Mall to.. Hindi moLtel!
Ilang pareha din ang nandun.. Eto ngang nasa likod ko, kanina pa hagikgikan ng hagikgikan.. Nakaakbay si lalake, nakapulupot si babae.. Kairita ha.. Alam niyo yung privacy?
Yung nasa ikalimang table naman, pasimple pa si lalake. Nakikita naman ang ginagawa sa ilalim ng mesa. Natatawa ako sa loob-loob ko. Sa ibang lugar dapat ginagawa yan ah. Naku talaga!
Ilang pareha pa ang pinagmasdan ko nang may isang babaeng pumukaw sa aking pag-iisip.
Ang ganda niya... Nang-aakit ang mga mapupungay niyang mga mata. Hanggang balikat ang kanyang tuwid at makintab na buhok...
Nakasuot siya ng tight jeans at fitted blouse na lalong nagpakita ng hubog ng kanyang slim na katawan. Syet! Ang sexy na, ang ganda pa!
Sa poise pa lang, alam mo ng prim and proper!
Napatingin ako sa lips niya, parang anlambot. Walang bahid ng lipstick pero mamula-mula. Ngumiti siya.. Wow! Nakakatunaw ang mga ngiti niya.
"nananaginip ka na naman ng gising tungkol sakin noh mahal?" bigla niyang sabi.
Hinalikan niya ko ng padampi sa labi. "sorry im late" sabi niya na naglambing.
"ok lang mahal, halos kakarating ko lang naman eh, tara na?" sagot ko.
Tumayo na kami at naglakad papuntang escalator.
Hay, sulit naman ang paghihintay ko. Ang suwerte ko talaga sa girlfriend ko! Mahal ako, mahal ko siya.
O siya, manonood daw muna kami ng sine.
Naalala ko mga magkakapareha kanina. Napailing na lang ako.
Buti na lang sa sinehan madilim at malamig. Magagawa ko dun ang kailangan kong gawin..

ANG MATULOG.
(puyat eh.hehe)

~~VHONSKALL

***FICTION****

0 comments: