LIKE MY PAGE ON FACEBOOK | PHOTO QUOTES »

Wednesday, January 30, 2013

Invicible tomb

narito ako.. 
Nag-iisa.. 
nakikinig.. 
Sa mga usap-usapang akala niyo di ko alam.. 
Nagmamasid.. 
Sa mga gawain niyong akala niyo di ko alam.. 
-- 
nandito ako.. 
Nakikinig sa mga balita.. 
Tungkol sa'kin, 
tungkol sa iba.. 
Yung iba totoo, 
yung iba hindi tama. 
Respeto naman 
sa taong ngayon ay pipi na at minsan niyo din namang nakasama.. 
-- 
narito ako.. 
Umiiyak.. 
Nagwawala.. 
Walang magawa.. 
Naghihintay, 
umaasa.. 
Sa mga taong 
pupunta.. 
Nagpapakatotoo.. 
Magpaparamdam.. 
Na kahit ako'y wala na, 
ay di ako nag-iisa.. 
-- 
nandito ako.. 
Nakikinig... 
Nagmamasid.. 
Madilim.. 
Mainit.. 
Buti pa kayo, 
kita niyo pa ang liwanag.. 

nandito ako, 
naghihintay.. 
Tumatangis.. 
Walang nakakarinig.. 
Nalulumbay.. 
Umiiyak.. 
Nagtatago.. 
Nagkukubli.. 
O sadyang di niyo ako nakikita? 
Wag mag-alala.. 
Ipagdarasal ko rin ang inyong kaluluwa..