LIKE MY PAGE ON FACEBOOK | PHOTO QUOTES »

Wednesday, June 12, 2013

talo ang mga numero

Dear cc:
nalulungkot ako kasi aalis ka na..
Punong puno ang utak ko ng mga numbers.
5 - 5years ang age gap natin...
But i don't care. Age is just a number. At outnumbered ang age gap natin, age mo, at age ko sa bilang ng pagmamahal ko sayo.
Mahal kita in a million ways, million times, imultiply mo pa yun ng paulit-ulit.
4 - 4years kitang inantay. I was 15. 19 na ko ngayon. Sasabihin mo pa rin bang puppy love? Eh sa talagang mas attracted ako sayo kesa sa mga girls na ka-age ko. Di mo ba nahalata kaseryosohan ko?
3 -3months na lang, aalis ka na. :-( kung kelan napalapit ako ulit sayo, kung kelan nararamdaman kong nagkakatime ka na sakin, saka ka naman lalayo. Malungkot na masaya. :-(
2 - 2 days na lang, makikita na ulit kita...
Hindi ko nga alam kung tayo na ba. Pero di mas mahalaga sakin, magmahalan tayo diba?
1 - una? Isa? Oo cc... Nag-iisa ka lang sa puso ko.. Matatapos ang teenage years ko na ikaw lang minahal ko ng ganito.. Mas nagniningning ka pa saking paningin sa kahit anong bato sa diamond dash.
Sana friday na.. Gusto na kitang makita at mabigay to sayo..
Mahal ko... :-)
.
Love,
dd

__

dear dd,
you thought about numbers and yes, i thought about it too...
Naflatter ako 4years ago nung sinabi mo na mahal mo ako.
Yes you are cute and charming, but i thought di ka seryoso.
So i shrugged my shoulders and binalewala ko mga sinabi mo.
You were just 15, and baka gusto mo lang ako kasi nachachalenge ka. Though matured ka mag-isip at nakikita ko mabait ka. You are sweet.. But i'm afraid part lang to ng teenage years mo..
You were 15 and i was 19. Ika nga papunta ka pa lang pabalik na ko. Sabi ko, playful years mo pa lang to.
So naging communication lang natin eh text at fb. Madalas nga binobola mo ako, which made me smile most of the time.
Four years later, nagulat ako. Mga salita mo naging seryoso. Mahal mo pa din pala ako.
Maybe it's time not to think how young you are. Or the difference of my age to yours.
Tama.. Talo ang mga numbers na to sa mga times na pinabilis mo ang tibok ng puso ko pag kasama kita.
Sa bilang ng mga beses na napasaya at napangiti mo ako sa mga banat mo.
Kung ang candy crush pwedeng magkaroon ng 1000 lives dahil sa cheat, ako 1 buhay lang kuntento na ko. As long as you're in it. I don't need any cheat.
I love you dd... Mas importante yun kesa sa anumang number. :-)
and don't worry, mapalayo man ako sa'yo, ikaw naman ang pinakamalapit sa puso ko.
Mahal ko. :-)
.
Love,
cc