LIKE MY PAGE ON FACEBOOK | PHOTO QUOTES »

Sunday, July 3, 2011

Ang Nahulog Niya

Andito na naman ako sa kung saan lagi kong kausap dati si Rhia. Nakilala ko siya nung high school ako. Tapos nung nag-college na, pinag-aral na siya ng mga magulang niya sa london.


Tag-ulan na pala, sabi ko nung naramdaman ko ang unang patak ng pag-ambon. Kung nandito si rhia, o kahit man lang siguro kausap ko siya sa phone, siguradong pagagalitan niya ko. Na ikinakatuwa ko naman kasi dun ko nararamdaman na mahal niya ako at pinapahalagahan niya ko.


Saka lang ako nagkalakas  loob na ligawan si Rhia nung nasa london na siya. Friendster pa ang uso nun,pero umuusbong na ang facebook. Siya nga ang gumawa ng facebook acount ko eh.
Sinagot ako ni rhia, akala ko noon, di niya ko magugustuhan, kasi langit at lupa ang pagitan namin.
Nung naging kami, gabi-gabi kaming magkausap sa cellphone. Madalas siya ang tumatawag kasi mas madami siyang pantawag (hehe).
Kahit magkalayo, naipadama namin ang pagmamahal sa isa't-isa. Cam to cam, pag-a-upload ng picture, sulat sa isa't-isa. Ni hindi ko mabitawan cellphone ko, dala-dala ko hanggang banyo, baka kasi tumawag siya o magtext. Nauubos nga ang baon ko sa school nun kasi lagi akong nag-oonline. Buti na lang, nagpakabit ang ate ko ng internet connection.  Ilang buwan na ganun ang set-up namin. Ramdam namin ang pagmamahal ng isa’t-isa kahit magkalayo kami. Hanggang sa nararamdaman ko nagbago na lang siya. Lagi na siyang busy, lagi na siyang may dahilan. Pinagpalit na pala ako ni Rhia... sa babae. Isa din daw Pilipino na kasama niya sa school. Ang masakit, inantay niyang ako pa ang makatuklas, masakit na di niya binigay ang karapatan kong malaman ang totoo.


Dalawang buwan na ang nakalipas mula ng maghiwalay kami.. Para  akong ewan na tumatambay gabi-gabi dito sa may hagdan ng basketball court sa tapat ng bahay namin. Minsan nakatulala, minsan umiiyak.. Madalas umaasa.. Umaasang bumalik siya. Noon yun, ngayon, napagtanto ko na sa umpisa pa lang, dito din mauuwi yung relationship namin.


"Antagal mo na atang walang kausap ngayon", mga salitang pumukaw sa aking gunita. Napalingon ako. Pamilyar na mukha, pero di ko kilala. "ako si Donna, nakikita kita dito twing madaling araw bago ako pumasok sa work. Tagal na kitang napapansin dito, di mo siguro ako napapansin kasi lagi kang busy sa kausap mo", sabi niya.
Sinabi ko ang pangalan ko, at sabi ko,  “ oo nga pala, ikaw pala yun.. Yung babaeng may tattoo sa may ankle”
Tumawa siya. “Tattoo ko pa ang naalala mo ha? Oh eto payong, umaambon, baka magkasakit ka”, sabay upo siya sa tabi ko.
"bat di mo kausap ang cellphone mo ngayon?", tanong niya na parang nagbibiro.
"wala na eh", maikli kong sagot.
"ang cellphone mo?"
"hindi, wala na kami ng girlfriend ko", tumahimik siya. Naisip ko na naman si Rhia. Pero di katulad ng mga nagdaang gabi na masakit. Ngayon, pinagdadasal ko na lang ang kanyang kaligayahan.
"taga-saan ba yun ng mapuntahan natin?", sabi ni donna
"nasa london eh"
"ah, anlayo pala. Di ko kaya. Hahaha", lumabas ang mga mapuputi at pantay pantay niyang mga ipin.
"alam mo, mas sanay akong masaya ka kesa malungkot. Di ako makalapit sayo nun,  kasi lagi kang may kausap. Tapos nung wala ka ng kausap, kasi umiiyak ka naman. Masira pa ang moment mo. Baka masuntok mo pa ko", pagbibiro niya.
nakita pala niya.
"nakakahiya naman, nakita mo pala yun",sagot ko.
"ikaw naman kasi, mas gusto mo kausap ang cellphone mo kesa sa tao.", at ngumiti siya sakin.
"hindi naman, siguro nagoyo lang ako ng tuwang bigay ng cellphone", nakipagbiruan na din ako sa kanya.
Tumingin siya sa relo niya.
"o, panu papasok na ko sa work", sabi niya. Sa call center sa may ayala pala siya nagtatrabaho.
"kung namimiss mo ang cellphone mo, eto, tawagan mo ko", sabay abot sa kapirasong papel na nakasaad pangalan, email add at cp number niya.
"pero alam mo, pag sakin, ako mismo ang makakausap mo gabi-gabi dito, hindi ang cellphone mo." ngiti niya.
Napangiti din ako, at nagpasalamat. "ingat ka ha", sabi ko.
"kasi, pag yung cellphone ko, nasira, madali lang palitan. Alam ko ikaw, mahihirapan ako.", dagdag ko.
"hahaha, ayan, ngumingiti ka na. Alis na ko ha.", paalam niya.
at naglakad na siya papuntang sakayan.
Wala na siya sa paningin ko, tinitigan ko ang number niya ng matagal. Napangiti ako.
It takes a lot of guts for a girl para lumapit at makipagkilala.


Tinext ko siya,
[Donna, asan ka na? May nahulog sayo dito... Btw, si bookee to, ung kausap mo kanina.]


tumunog agad ang cellphone ko.


[bookee, nasa fx na ko. Ano yung naiwan ko diyan? Pakitago muna, daanan ko bukas, same time.]


ngumiti ako, at nagreply.
[ nahulog sayo.. Yung puso ko. :-) ] pagkatapos kong masend parang kinikilig ako.


Nagreply siya agad.
[ haha.. Oh sige, akin na pala yan? Sabi mo eh. Alang bawian ha? Pumasok ka na, lumalakas na ang ambon eh. Ayokong magkasakit yung nahulog ko diyan. Lalo na yung naiwan ko pala diyan.Lagot ka sa akin pag may nangyari diyan. ] – mahaba niyang reply

[anu naiwan mo?]


Kinilig talaga ako nung nabasa ko ang message niya habang papasok na ko ng bahay:

[ ikaw.. :-) ]


~~VHONSKALL

0 comments: