Siguro, pag sinabi ko sa iba na gusto ko si ganito, si ganian, sasabihin player ako.
Sabi ko nga sa kaibigan ko dati na si joe, "beh, di naman ako papatol sa girl kung di ko nararamdaman na may feelings ako eh. Mas masarap kaya na yung girlfriend mo, mahal mo, para na.eenjoy mo.".
Sabi ni zee, ako na lang daw matino. Pero, di ako magpapakabait, kasi nahulog ako sa iba. Di ko napigilan, di ko nakontrol. Basta alam ko, masaya ako.
Siguro nga matino in some way. Kasi may matinding rason naman kung bakit ko to nagawa. Pero, icacategorize pa rin nila ako as a player, im sure.
Di kasi nila alam history ko, kaya maiintindihan ko naman kung bakit. Basta alam ko, may rason sa lahat. Di pwedeng wala.
Pero sana nga, player na lang ako. So i'll know how to handle situations. Sana pla player na lang ako, no emotions, hindi nasasaktan.
Sana player na lang ako na may strong character.
Ewan ko kung bakit ko nasasabi mga toh.. Pero panu ako magiging player, bukod sa pulubi, pangit pa.
Pero kung player man ako, sasabihin ko sa tao na di ako seryoso. Ayoko din aman silang umasa.
Tanong sakin ni mommy elsie dati:
"bakit ang sweet mo?"
Sabi ko: kasi mommy. Bawat taong dumadating sa buhay ko, pinapahalagahan ko. Pero siyempre sa taong mamahalin ko, mas sweet pa ko.
Malay m, yung stranger ngayon, yun pala magpapasaya sau ng habang panahon.
Bigla niyang sabi:
Kahit alang pakialam sayo?
Napaisip ako, at di nkapagsalita. Nginitian ko na lang siya.
Naisip ko mga taong nakasama ko mula elementary hanggang ngaun. Mga taong nakalimutan na ko, pero iniisip ko pa din.
Yung mga part pa din ng buhay ko, pero ako, part na lang ng history/memory nila.
Sana ganun na lang ako. Sana madali akong bumitaw ng mga bagay-bagay.
Sana di na lang ako masiyadong nagpapahalaga.
Sana player na lang ako.
Andami kong sana. :'(
Pero sana, kung sino man mga taong pinapahalagahan ko, pahalagahan din ako.
Sana...
Pages
Friday, April 1, 2011
Sana Player Na Lang Ako
made by: Your Beau at 11:22 AM
Labels: just talking
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment