LIKE MY PAGE ON FACEBOOK | PHOTO QUOTES »
Showing posts with label kalokohan. Show all posts
Showing posts with label kalokohan. Show all posts

Tuesday, September 20, 2011

MAAGANG SULAT PARA SA AKING MGA INAANAK

Mga Minamahal Kong Inaanak:
Alam ko, masiyadong maaga pa ang sulat kong itong. Ngunit alam kong walang kasiguraduhan ang buhay. Kaya sa pagsapit ng Disyembre, ayokong masiyadong mataas ang pag-asa niyo na makita ako. Ngunit sana, malaman niyo na gustong gusto ko kayong makita. Pero, may mga pangyayari lang na di ko inaasahan. Eto ang mga maaaring dahilan na wala ako sa Disyembre o hindi ko kayo makita.

1)      May Superpowers ako. Nitong taon lang na nalaman ko ito. Pag malamig ang panahon, nagiging invisible ako. Yun ay isang pangyayari na di ko mapigilan. Panu ko mabibigay ang inyong mga aguinaldo kung ang buwan ng Disyembre ay napakalamig. Kaya nga pag nag-mall ako o pumapasok fast foods, bigla na lang akong nawawala o nagiging invisible. Kagaya ni Jessica Alba sa Fantastic Four.
2)      Meron akong problema sa pandinig. Pag nakakarinig ako ng christmas songs, nabibingi ako. Kaya pala nung minsan, may mga bata sa harap ng bahay namin, akala ko pinagkakatuwaan nila ako kasi para silang sumisigaw pero wala akong naririnig. Nung umalis sila, saka lang sinabi ng kapatid ko na nangangaroling sila. Naulit ang mga pangyayaring ito. Nagpatingin ako sa doktor, ngunit wala silang makitang depekto.  Nakapanlulumo.
3)      Pinaaalalahanan ko din kayo na ang pinakamagandang regalo sa pasko ay ang makasama ang pamilya. Kaya imbes na lumabas kayo ng bahay, be with your family and feel the spirit of christmas. Walang pinakamagandang regalo kundi ito.
4)      Sumama ako sa kilusan, kaya ngayon nasa bundok ako. Kahit mahirap ang internet connection dito, ginawa ko ito para sa inyo. Gusto ko kasing sundan ang yapak ni Javier sa Minsan Lang Kitang Iibigin. Hahanapin ko din ang mga tunay kong mga magulang. Yayaman din ako at mabibili ko kayo ng mga mamahaling laruan. At nakikipaglaban ako para sa inyong kinabukasan sa bayan na ito. Ginawa ko ito, dahil kayo ang iniisip kp. Kung makita niyo man ako sa ating bayan, wag niyo kong lalapitan. May mga sumusunod kasi sa aking mga militar, at ayaw ko kayong madamay. Ganun ko kayo kamahal.
5)        Gusto kong matutunan niyo ang pinakaimportanteng kaugalian sa lahat. Ang pagtitiis o pagpapasensiya. Di ba nga, PATIENCE IS A VIRTUE? Gusto kong mahubog ang inyong pagkatao sa kaugaliang ito.

Hanggang dito na lang mga mahal kong inaanak. Tandaan niyo na lagi kayong nasa isip ko. LOVE YOU! MWAH TSUP! INGAT. J

YOUR GODPARENT,
VHONSKALL

Friday, July 8, 2011

DEAR BESTFRIEND.... --vhonskall

Dear Bestfriend,
Dinaan ko na lang sa sulat, kasi wala akong lakas ng loob na sabihin sa’yo to ng harapan eh. Masiyado kasi akong mahiyain.
Matagal na kitang gusto. Gusto kita sa kung ano ka, kung anong meron ka, at kung anong wala ka.
Napamahal na ko sa’yo kaya nga ngayong magtatapos na tayo, sobrang nalulungkot ako. Ikaw kasi ang aking kaligayahan. Ikaw yung taong lubos na nagpasaya sa akin.
Yung nararamdaman ko sa’yong pagkagusto, nagsimula ito nung mapansin ko nung first year natin sa college, nandun ka lang sa upuan mo at tahimik, ayaw mo atang makipagbonding. Nilapitan kita at kinausap, tinanong ang pangalan mo. Wow! Di ko natake ang breath mo. Pero sabi ko na lang, siguro dahil kanina ka pa tahimik, kaya napanis ang laway mo. Ilang minuto din na nag-uusap tayo, nasanay na ko sa amoy kaya okay lang. J
Mula noon, lagi na kitang binabati. Napansin ko na ang hilig mo ay math, na di ko naman hilig. Kaya nakipagclose pa ko lalo sa’yo para may makopyahan ako ng assignments. Sinadya ko din na tabihan kita pag sa math class natin, baka kasi biglang magpaquiz si ma’am, at least sure naman ako na papakopyahin mo naman ako. Di ko lang sure kung galit ka ba sa mga times na mas mataas nakukuha ko sa’yo samantalang sa’yo ako nangongopya.
Bumabawi naman ako diba pag sa english? Ako nga gumawa ng speech mo, pero siyempre di ko masiyado nilagyan ng impact, para mas maganda pa rin yung akin.
Sa paglipas ng araw, naging mas close pa tayo. Di’ba joker ako? Kaya pala lagi mong pinipigilan ang tawa mo, kasi ampangit ng tunog. Pero mula ng nautot ka sa kakapigil, hinayaan mo ng tumawa ka ng tumawa kahit kitang kita ang malalaki mong gilagid at ipin. Lagi na rin tayong nagsasabay maglunch, at naging mapagbigay ka din sa’kin. Hati tayo sa baon natin, binibigyan kita ng kanin, binibigyan mo naman ako ng ulam.
Pag sa P.E. class natin, lagi akong nasa likod mo, kasi alam kong lampa ka. Medyo bumubungisngis nga ako pag nadadapa ka, pero ako  lang din naman ang bumabangon sa’yo. Ay, sorry nga pala ha?  Nung time na may swimming ang P.E. class natin, di ko sinabi na 6feet yung sa dulo ng pool, pero dun kita pinadive. Alam kong di ka masiyadong marunong lumangoy, pero kinailangan kong magstretch muna bago lumusong sa tubig.  Sabi sakin ng classmate natin nun na si Allan, parang nalulunod ka daw at kumakampay sa tubig. Hindi kita tinignan, pero kita naman kita sa peripheral vision ko. Sagot ko naman sa kanya, naglalaro ka lang sa tubig, at tinatawag mo lang ako. Nung alam kong di mo na kaya, sinagip naman kita di’ba? Gusto ko kasi ako ang knight in shining armor mo sa twing may nangyayaring masama sa’yo. J
Nung christmas party natin, natouch ako sa regalo mong t-shirt sakin. Mamahalin ata kasi signatured shirt at yung favorite ko pang design. At binigay ko naman yung regalo ko sa’yong sulat at picture frame na may picture ko. Para kang nadis-appoint nun, pero sabi ko, baka naspeechless ka lang, kasi priceless ang gift ko.
Nung JS prom natin ng 3rd year, sabi ko ikaw ang gusto kong partner. Nagtanong ka sa akin kung ano susuotin mo. Sabi ko, mas gusto ko yung simple ka lang, kasi natural ang kagandahan mo.. Sinundo kita sa bahay niyo gamit ang kotse ng tatay ko. Di na ko bumaba ng kotse, kasi dalawang oras ka na palang nag-aantay sa labas ng bahay niyo. Sorry ha kung nalate ako?
Pagdating natin sa venue, tinginan satin mga tao. Di ko lang alam kung nagandahan sila sa amerikana ko o kapansinpansin lang yung bestida mo. Kasi halos lahat ng babae, nakaformal dress, at sayo yung pinakasimple. Bumulong sakin ang barkada ko, Pare, katulong mo yan? Sabay tawa.
Aaminin ko sa’yo, di talaga sumakit ang tiyan ko nun kaya umuwi tayo agad, ayoko lang na ginaganun ka, at higit sa lahat, ayokong napapahiya ako. At di talaga ako nalate, nauna na ko sa venue, di na sana kita susunduin, kaya lang text ka ng text.
Alam mo, seloso ako. Kaya nung sinabi sakin ng crush mo na liligawan ka daw niya, sinabi ko na di mo type ang mabait at laging highest sa klase. Sinabi ko din na ayaw mo ng walang bisyo. Kaya naturn-off ka sa kanya nung naging bad boy na siya at laging lasing na pumapasok, kaya napabayaan na din niya pag-aaral niya. Natuwa naman ako nung sinabi mo sa’kin na hindi mo na siya crush.
Ayoko din na magkaroon ka ng bestfriend bukod sa akin. Naalala mo nung bigla ka na lang nilayuan ng mga  barkda mo? Sinabi ko kasing may lahi kayong aswang, at hindi mo ko tataluhin kasi ako lang ang nagtatanggol sa’yo.
Hay, namimis na kita bestfriend.  Miss na kita. Kung bakit kasi lumipat ka pa ng school kung kelan malapit na tayong magtapos, eh andito naman ako para ipagtanggol ka sa lahat ng nang-aapi sa’yo. Ang sasama man nilang lahat sa’yo, andito naman ako.
Pero salamat ha? Kasi kung di ka umalis, di sana ako nakapasok sa pagiging Magna cum laude, kasi sabi ni Dean ikaw sana yun.
Sana masaya ka din sa pagtatapos mo diyan sa bago mong school. I miss You BestFriend! You made my college life so happy and memorable!

LOVE,
Bestfriend mo Sa Dati Mong School 

Thursday, June 30, 2011

Mga Panandalian Naming Pagsasama

alas kwatro na pala ng madaling araw..
Masiyado na pala akong nahuhumaling kay HaiPa.
Well, wala naman akong karapatan sa kanya talaga. Di ko siya pag-aari. 
Actually, di naman talaga siya pasado sa standard ko. Pero sa totoo lang, siya lang ang meron ako ngayon.
Mula pa kagabi ko kapiling si HaiPa. Di ko nga alam kung kelan na naman siya aalis. Nung nakaraang linggo, ilang araw ko ding nakasama si HaiPa.
At inaamin ko naman, halos di ko maalis ang tingin ko sa kanya.
siguro kahit di ko na mahawakan ang cellphone ko basta hawak-hawak ko lang si HaiPa.

Pero alam ko naman eh, mulat naman ako sa katotohanan.
Tong kasiyahan naming ito ni HaiPa, panandalian lang. Kailangan din naman kasi siya ng tunay na nagmamay-ari sa kanya.

But then, I'm grateful. Kasi, natitiis niya ko. Minsan nga, Ilang oras lang ang pahinga namin.
Masasabi kong sinusulit ko talaga ang mga panahon at oras na kasama ko siya.
Pero, ayoko din namang isipin niya na ginagamit ko lang siya.
Hindi. Hindi ko kailanman siyang tinuring na ganun.

Alam ko.. May mga katulad pa niyang darating, mas maganda, mas may itsura, mas malakas ang dating at higit sa lahat, magiging akin ng buo.

Pero eto lang masasabi ko, hindi ko makakalimutan si HaiPa at ang mga araw at gabing pinagsaluhan namin.
mga araw at gabing pinasaya niya ko at dinala niyako sa iba't-ibang lugar. dahil kay Haipa, nadagdagan din ang aking mga kaalaman bukod sa pagkaaliw sa kanya.

May maghapon pa kami para pagsaluhan ang bawat oras sa araw na ito. Pero kailangan din naming magpahinga.
Oo nga't maganda ng kanyang pangangatawan, at maganda ang pisikal niyang kaanyuhan, napapagod din naman ang kanyang sistema.
Kung pwede lang wag matulog para mabantayan pa kita.
Kung pwede nga lang na akin ka na lang..
Pero yun ang katotohanan, di kita pag-aari.




Good Mornight Haipa. I love you. :*


>>vhonskall


NOTE: HAIPA is an HP1000 Mini Netbook
Hinihiram ko lang kasi yan. hehe

ang alamat ng pagsisinungaling

Karpintero itong si Juan at isang 
araw eh gumagawa siya ng isang 
bahay sa tabi ng ilog.Sa lakas ng 
pagma-martilyo niya eh nalaglag 
ang martilyo niya sa ilog. 
Umiyak siya at lumitaw yung 
guardian Angel niya, "tutulungan 
kita, Juan".. .sabay lundag sa ilog. 
Lumabas ito na me hawak na 
Gold hammer, "ito ba ang 
martilyo mo?" ... "hindi po"..... 
Lundag uli ang Anghel at lumitaw 
na me Silver hammer, "ito 
ba?"..."hindi po"... 
Lundag uli sa ilog ang Anghel at 
lumitaw na me ordinary hammer, 
"ito ba?"..." Opo" ...natuwa ang 
Anghel. "Dahil honest ka, bukod 
sa martilyo mo, sa 'yo na rin ang 
Gold at Silver hammer"... 
Makaraan ang ilang araw, 
naglalakad si Juan sa may ilog at 
kasama ang Misis niya. Eh sa 
hindi inaasahang pangyayari, 
nalaglag si Misis sa ilog...iyak si 
Juan Litaw si guardian Angel, 
"tutulungan kita"...sabay lundag 
sa ilog at nang 
lumitaw eh kasama si Marian 
Rivera, "ito ba ang misis 
mo?"...sagot si Juan, 
"Opo"......nagalit si anghel, 
"sinungaling ka. Akala ko pa 
naman mabait ka".... 
Nag- reason-out si Juan, "sorry 
po, Angel...kasi kapag sinabi kong 
'Hindi', eh lulundag ka uli sa tubig 
at pag-litaw mo eh kasama mo si 
Katrina Halili. 
At pag sinabi ko uli na hindi siya 
ang asawa ko, eh lulundag ka uli 
at ang tunay na Misis ko na ang 
kasama mo. At dahil sa kabaitan 
ko, eh ibibigay mo din sa akin 
sina Marian at Katrina. 
Mahirap lang po ako at hindi ko 
kaya ang me tatlong asawa, 
kaya'Yes' na lang ang sinagot ko 
nung una. 
Moral of the story: 
Kaya lang naman nagsi- 
sinungaling ang mga lalaki, Eh, 
for a good and noble reason.

Wednesday, May 18, 2011

HARI NG SABSABAN

Mula sa production na nagbigay sa inyo ng mga dekalidad na textseryeng ....

"Limliman Mo Ang Sisiw Kong Basa" at "Iputok Mo Sa Labas"

Isa na namang istorya ang babahagi sa inyo ng VHONSKALL.PRODUCTION

-ang susunod na istorya ay bahagi lamang ng imahinasyon-



"HARI NG SABSABAN"

Tampok ang tambalang sina:
TRIO SANTOS as Lucky T. Gust (LTG)
at
FRAXENE as Dina V. Erhen (DVE)

Kasama din sina HEARTHROB, EUNACU, at TUCKER bilang tatlong bugok (HET).

With the special participation of:
AYEETOTZ SUICYDOLL bilang pasulpot-sulpot na babaeng may pakpak (PKPK)
at
si THUGFINEST01 bilang si Jack.




** Habang natutulog si Lucky T. Gust bigla syang nagising sa tinig na kanyang narinig.

PKPK: Lucky, gumising ka!

LTG: *naalimpungatan*
huh? babaeng may pek... este pakpak! anong kailangan mo?

PKPK: makinig ka, mabubuntis si Dina V. Erhen at kailangan mo itong ituring na tunay mong anak. pangalanan no syang..
Jack... magiging hari sya ng sabsaban.

LTG: sabsaban? napakabalahurang magsalita ng babaeng may pek.. este pakpak na ito.

PKPK: hari ng sabsaban kasi mapapanganak sya sa sabsaban!

LTG: ahhh.. cge..

PKPK: puntahan mo si Dina bukas at magpakasal kayo agad.


*kinabukasan..


LTG: dinabirhen! dinabirhen!

*PAK!!*
(sinampal ni Dina c Lucky)

DVE: napakabastos mo! birhen pa ko.. kahit subukan mo!

LTG: tinatawag lang naman kita sa pangalan mo ah! pero di na mahalaga yun, ang mahalaga yung sasabihin ko.
kailangan nating magpakasal at magkakaanak tayo ng lalake.


**Sinabi lahat ni Lucky at pumayag magpakasal si Dina. Pagkatapos magpakasal sa Australia.. ay mali.. Estrella pala, sa may Guadalupe, nanirahan sila sa Venezuela.. mali ulit.. Valenzuela pala. Nabuhay sila sa pagkain ng pakwan, melon, itlog at talong, pati na din mani.
Sa kabuwanan ni Dina, namasyal sya sa kwadra ng mga kabayo ni Lucky ng biglang sumakit ang tyan nya.


DVE: aaaahhhhhhhh...... oohhh! ang sakit! ahhhhh..

(biglang dumating si Lucky)

LTG: Dina!

DVE: manganganak na ko..

(nataranta si Lucky)

LTG: sige ire lang..

DVE: ummphh..

LTG: sige pa!

DVE: uummmppphh!

*PROOOT*

DVE: oopz.. sori, false alarm.. ^_^


**Samantala... habang nagjejebs pala si Dina.
Nag-iinuman ang magkakaibigang sina hearthrob, eunacu at tucker.
Ginagawa nila ang paborito nilang libangan.... ang mag-KAWNT-TO-TIN.

hearthrob: isa..

eunacu: dalawa...

tucker: teka, diba english dapat? kaya nga kawnt to tin. hindi kawnt to sampu.

hearthrob at eunacu: oo nga pla.

(nang biglang sumulpot ang babaeng may pakpak.)

PTT: *sabay-sabay*
huh?! babaeng may pek.. este pakpak!

PKPK: wag O.A.!
wag nyo ng tapusin ang kawntotin.

hearthrob: hindi pwede!

eunacu: oo nga. mahirap mabitin.

PKPK: may mahalaga kayong misyon na dapat gawin.

TUCKER: ngunit ang pagkakawntotin ang nagpapasaya sa amin!

PKPK: bibigyan ko kayo ng poki-poki bilang pabuya!
* (pokipoki - pagkaing ilokano, talong at itlog)

PTT: yehey! sige.. basta pakainin mo kami ng pokipoki ha?

PKPK: pupunta kayo sa Venezuela.

EUNACU: wala kaming passport!

TUCKER: wala kaming viza!

HEARTHROB: asan ang pokipoki?


PKPK: ay pasensiya,, valenzuela pala. :D
ang poki-poki ay nas inyong destinasyon!
Sundan niyo ang tala. at makakarating kayo sa sanggol sa sabsaban!

(nagsimulang maglakbay ang tatlo na sinusundan ang tala)

TUCKER: ayan na ang tala oh! pero asan ang sabsaban... bakit puro tsubibo ang nandito?

*LUMITAQ MULA SA KAWALAN Si PKPK*

HEARTHROB: babaeng may pekpak!
bakit walang sabsaban?

PKPK: Mga ugok! starcity to!!!!
Panorth kayo!


*sa mga sandaling iyon, nanganak na si dina sa may kwadra (totoo na to)

*at dahil napamahal na si dina sa mga hayop doon at sadyang mahina pa ang kanyang katawan,, minabuti nilang manatili doon.

*pinangalanan nga nila ang anak nila na Jack.

* samantala, sa kinaroroonan ng tatlo...:

EUNACU: aun! may nakita na akong tala!

TUCKER: at isang malaking tala! nandito na tayo!

HEARTHROB: Pero nasan ang sanggol?

*POOF*

PKPK: mali na naman!

HEARTHROB: pero andito ang kabayo at ang malaking tala!

PKPK: STAR CINEMA UN! Si Vice Ganda nakita nyu at ABS-CBN ito!
Magtaxi na nga lang kayo!

*nagtaxi na nga lang ang tatlo

* sa wakas ay narating din ng 3 ang kinaroroonan nila lucky, jack at dina

HET: kami ang tatlong Bugok na magbibigay ng mga natatanging regalo sa inyong anak na hari ng sabsaban

HEARTHROB: kunin mo itong regalo ko para, tableta...
"make it hard By: Agra"... para lumakas ang kanyang mga muscles sa kanyang paglaki.

DINA: salamat, Ako pala si DINA V. ERHEN

EUNACU: alam namain yun, di mo na kailangang sabihin na di ka na birhen..

LUCKY: indi po! Dina ang pangalan niya, V ang middle initial at ERHEN ang surname niya..

HET: aahhhhh.. *tumango-tango*

EUNACU: ang regalo ko naman ay mga bolitas... Pampasaya para sa kanya at kanyang mga kalaro... gawin niyang holen ito.

*inabot niya ito kay lucky*

LUCKY: salamat... ako pala si LUCKY T. GUST

*sabay-sabay na napasulyap sa pantalon ni lucky at umiling-iling na parang di naniniwala....

TUCKER: ito naman ay mga gomang pahaba. Magagamit niya ito sa kanyang paglaki.. pag tumigas na ang kanyang mga muscles....

LUCKY AT DINA: salamat mga Ginoo.

*nagpaalam na ang tatlo...

*Lumipas ang mahabang panahon, nagbinatilyo na si jack, at natuklasan niyang may kakayahan siyang manggamot.

* nadiskubre ni jack na may kakayahan siyang manggamot sa pamamagitan ng regalo ng sa kanya ng 3 ugok...

hagod dito, hagod doon....

masahe...

patapik-tapik

hagod, pataas at pababa...



Ang pinakamagaling na pampalabas ng lagnat at init ay ang proseso ni Jack na hagod baba at taas pero dito din napapagod ng husto at pinagpapawisan si Jack.

Ngunit sa bawat matiwasay na mairaos nya na panggagamot ay kapalit nito ang walang ibayong kasiyahan...

naging pamoso ang kanyang pangalan lalo na sa kababaihan...

pag may nagtatanong sa kanya lalo na pag nilalagnat ay sinasabing.
"call jack"

pag may nangangailangan sa kanya, ang sagot ng mamamayan ay "call jack"

pag may sakit, "call jack"

hanggang sa naging sigaw na ng sambayanan ang " call jack, call jack, call jack, call jack"

ng lumaon ay pinangalanan ang kanyang istilo ng panggagamot na Jack-call...
istilong hagod pababa at pataas...

sa panahon ngayon na moderno, hindi na uso ang istilo ng pantanggal lagnat ni jack..
, ginagamit na sa ibang bagay ang istilo ng panggagamot ni jack-call,.


*****FINISH*******

[this is an etymology story... may aral, pramis.. :D]

Thursday, April 21, 2011

basa na ko.... basang basa....

dinampian mo ako...


ramdam ko...

nakaramdam ako,,..

ng panginginig..

nakaramdam ako ng pagkakilig.....

naramdaman kita...

sa bawat pagdaan mo

sa aking murang katawan...

sa bawat pagpasada... sa bawat sulok...

mula sa aking itaas....

dinaluyan mo ako..

hanggang sa makarating ka sa aking katawan...

ninamnam ko....

bawat ginhawang nilukob mo sa aking pagkatao....

sa bawat parte ng katawan ko....


naramdaman ko....


basa na ko....


basang basa na ko....


di ko muna ito ititigil....


masarap...


maginhawa.....

kelangan kita....



ooooohhhhh tubig!


sige pa, magbabanlaw na ko.... :p



----vhonskall

Wednesday, December 8, 2010

Sulat na napulot daw sa bar ng malate

Marjie,

I am not surprise or wander why Dennis leave you.

Why?

What reason you can think about but you're very fat body. I thought before that Dennis only use me to his toy but sooner and later I'm realize that he really can't beared or stomached to be with you anymore because at first, Dennis say he could not stand you're habit of making pakialam all his walks [lakad] and always calling to their house what he go home or this or that and then say he get ashame to met iether in school or in his family and then asking you to exercise you're ver very, very fat body but you hate it thoughth your the most preetiest girls he knows about what do you think you are "Beautiful Girl" of Jose Marie Chan even you are beautiful face to your think)you do not have the right to called me whatsoever or else different name one time or the other for the real purposed to insults my personality because I'm never call you names iether in the front of Dennis or in th backs of Dennis, but if you start already to calling me different name, I don't have any other choice but to call you any other different name to like you are a PIG, FAT, OBESSED, OVERWIGHT, AND UGLY SHAPE girl. Shame to you're body that is to a BUDING. You can't not blame Dennis for exchanging you to me because I am more sexier than you when you look to us in the mirror. I'm repeat again that you are like Ike Lozada when she is a girl.

FROM: THE SEXIEST GIRL OF D.M.

P.S. You say that I'm the badbreath but who is Dennis want to kissed.Me or you?You or me?And the final is me.





-exerpt from the book "BAKIT BALIGTAD MAGBASA NG LIBRO ANG MGA PILIPINO? by Bob Ong





NOTE: nakita ko lang toh sa net

Monday, May 17, 2010

kasama sa kama

kakauwi ko lang,...

nakita ko,,
nakahimlay ka na sa kama..

umupo ako sa gilid..
pasalampak... pagod...

di ka man lang natinag..

napansin ko,
iba na ang suot mo..

pag-alis ko kanina, bulaklakin..
ngayon polka dots na..

naisip ko,, matagal na rin pala akong di nakakabili ng
pamalit ng mga sinusuot mo..


sensya ka na ha...



medyo nagkukulang lang sa budget...

pero ,,,

kahiit anong suot mo, ok pa rin.. maganda pa rin sa paningin..

Pag gabi gabing kayakap kita,,, ganun pa rin ang amoy mo..

sarap mo pa ring samyuin..



alam mo,, sarap mo talagang yakapin.. wag kang magbago ha?

promise,,


aalagaan kita...

so, tatabihan na kita ha??

dipa ako antok,, pero ikukulong na kita sa mga braso ko...

thanks ha, andiyan ka lagi pag wala na kong kasama

sa lungkot at ligaya....


lika na unan ko,, yakap na kita....



-----gawa ni:
VHONSKALL