LIKE MY PAGE ON FACEBOOK | PHOTO QUOTES »

Wednesday, March 27, 2013

three thoughts

i-nathalie

Mahal ko sya. Di ko naman sinasadya eh. Naging close lang
kame simula nung nag break sila
ng girlfriend niya. Para na kaming
magkapatid, at nadama ko din
ang pagiging special ko sa kanya.
nadala ba ako sa pagiging sweet
niya? Namisinterpret ko ba ang pag I ilove you niya? Masyado ba
akong umasa na suklian niya ang
nararamdaman ko sa kanya?
Araw-araw na lang na siya ang iniisip ko, hanggang sa
maramdaman ko sa sarili ko na
masiyado ko syang mahal minsan
nararamdaman ko mahal niya ko,
madalas hndi.
Baka mahal lang niya ako bilang
kaibigan.
Ngayon, nararamdaman ko,
parang may mahal siya. Umasa
akong ako yun Pero hindi eh Iba.
Nagtanong ako, umkiwas siya.
Nasaktan ako, Alam mo yung
dating kami? Wala na. Alam mo
yung umasa na sa sobrang close
nyu, magiging kayo? ako un.
Di ko alam ang gagawin ko,siya
lang ang kaligayahan ko.Pero may
mahal siya, Dama ko. lalayo na ba
ko?
II- MICHELLE
Pinakilala siya sa akin ng matalik
kong kaibigan. Dumating siya sa
buhay ko kung kelan sobrang
down na down ako. Sa panahong
iniwan ako ng taong pinaglaanan
ko ng limang taon ng aking
buhay. dumating siya sa
panahong wala na kong pag-asa.
Pinapasaya niya ko, pinapangiti at
hindi kalianman iniwan. Dumating
yung panahong namimiss ko na
siya at laging inaabangan ang
bawat tawag at bawat text niya.
Pag mamahal na ba to ?kung oo,
mahirap. Mahal na mahal siya ni
Nathalie. Pero mahal ko din siya.
Alin ba ang tama? Ang mawala
siya at masaktan ako ? o maging
akin siya at masaktan ang
kaibigan ko? Gusto niyang lumayo
na lang, ayoko … pero, mananatili
nalang ba kaming ganto ?
patago ? at pag mag kasama
kamking tatlo,nag kukunwaring
hindi apektado ? ang hirap.
Pareho ko silang mahal,pareho ko
silang ayaw mawala.
Pag nalaman to ni nathalie , alam
kong sobra-sobrang sakit ang
mararamdaman niya. Ang
masakit, ako pa ang may gawa.
Tama na ba to ? o ipapagpatuloy
ko pa ? mananatili nalang ba
kaming nag tatago ? hahayaan ko
na lang siya para sa kaibigan ko ?
III- SI SETH
Si Nathalie, siya ang taong
andiyan sa akin palagi. Siya ang
tumayong bestfriend ko at di niya
ko pinabayaan . ok kami
hanggang sa minahal niya ko ng
higit sa kaibigan . di ko yun napag
handaan. Pinakisamahan ko siya,
minahal ko pa rin siya, hindi sa
paraang gusto o inaasahan niya.
Si michelle, ang taong
kinahulugan ko ng loob. Alam ko
sa sarili ko, siya ang mahal ko.
Bagamat sinabi niyang mahal din
niya ako, may dalawang bagay
akonh kinakatakutan. Una matalik
silang mag kaibigan ni Nathalie,
dobleng sakit yun para kay
Nathalie. Pangalawa, pag bumalik
ang ex ni michelle, natatakot
akong yun pa rin ang pipiliin niya.
Sobrang mahal niya yun eh. Iniisip
ko nga, baka rebound lang ako.
Ang sabi ko na lang, wala pa
naman kaming relasyon ang
mahalaga mahal ko siya, mahal
niya ko. Kaya lang, alam kong
hindi ko matatapatan o
mahihigitan ang ex niya at
masakit magmahalan ng patago.
Di ko siyang magawang yakapin o
hawakan pag may ibang tao.
Iniiwasan ang magkatinginan,
baka mabuko. Masakit ehh ..
naisip ko tuloy, lalayo na lang ba
ako ?.

0 comments: