LIKE MY PAGE ON FACEBOOK | PHOTO QUOTES »

Thursday, April 21, 2011

Oras na para umuwi

Galing ako sa mahabang biahe..

Basta ko naisipang umuwi

parang may naudyok sa akin para bumalik sa amin..

Pagka-uwi ko..

Malayo pa lang, nakita ko..

Andaming tao..

Madaming mesa at upuan..

Kumpulan sila insan

kumpulan din ang mga kapitbahay..

Anong okasyon?

Abril pa lang..
Malayo pa ang piesta..

Si anti, kausap si papa..
Hindi ko na sila binati,
mukhang masinsinan ang pag-uusap nila..

Ngumiti ako sa mga tao

ngumiti ako sa mga nakasalubong ko..

Teka,
sandali..
May mali..

Dati pagkadating ko pa lang,
malayo pa lang ako,
binabati na nila ako..

Bat parang anglungkot ng paligid?

Pumasok ako sa sala..

Nadatnan ko sila lola,
si mama, si bunso at kapatid kong babae.

Sa masaya kong boses,
binati ko sila:
hi girls! Namiss niyo ko?

Si mama, biglang umiyak
tinawag ang pangalan ko..
Tumayo..
Humakbang,
ngunit hindi patungo sa direksiyon ko.

"mama, sandali, san ka pupunta"

hagulgol ang kanyang sagot..

Sinundan ko siya ng tingin..

Parisukat..
Kahoy..
Salamin..

Ngayon ko lang napagtanto..

Bakit?

Sino?

Nanginginig ako..

Humakbang..

Nanlalamig...

Nanghihina...

Tumabi ako kay mama..

Dumungaw ako..

Hindi...

Bakit?...

Tumulo ang luha ko...

Nilibot ko ang aking mga mata..

Kelangan kong tanggapin..

Ang sakit...

Pero oras na..

Kelangan ko ng umuwi...

>>vhonskall
04.21.2011

0 comments: